FAQ's > Remitter Frequently Asked Questions
Mahalaga sa PVB Remittance Service ang madali, maaasahan at siguradong remittance. Ang serbisyong ito ay talagang mabilis. Ang Bayani Kard prepaid remittance service ang sagot sa lahat ng remittance needs mo. Makakapili ka ng gusto mong mode of remittance. Magiging madali ang pagpapadala at pagtanggap para sa iyo at sa beneficiary mo. Mataas pa ang exchange rates at magaan ang service charges! Ang aming Customer Service team ay available para masigurong masasagot ang inyong mga katanungan. 2. Magkano ang kailangan kong ibayad para sa remittance service? Makakapagpadala ka ng remittance sa halagang singbababa lang ng £ 6.00. Maaaring mag iba ang charges depende sa remittance method na pinili mo. 3. Gaano katagal bago matanggap ng beneficiary ko ang remittance? Depende sa iyong napiling mode of remittance madaling matatanggap ng iyong beneficiary and perang padala. Ang aming committed transit time ay sa loob ng 24 oras, depende sa inyong napiling mode of payout; gayon pa man, mangyari lamang na magbigay ng pataan ng isa pang 24 oras kung sakaling magkaroon ng mga di inaasahang pangyayari. Maaaring ito ay mga technical problems at mga kaganapan sa Pilipinas (halimbawa, holidays o long weekends). I-click ang link para sa aming committee transit period (committed transit period). 4. Sisingilin ba ang beneficiary ko pagtanggap nya ng remittance? Hindi. Walang charge na sisingilin sa iyong beneficiary. 5. Maaari ko bang ma-track ang remittance ko? Oo, ikaw at ang beneficiary mo ay maaaring mag track ng remittance online o gamit ang iyong mobile phone. - Para ma track ang iyong remittance online, mag log on sa www.bayaningpinoy.com. - Para ma track ang iyong remittance gamit ang iyong mobile phone, sundan ang keyword format: Inquire<space>Transaction ID<space>Remitter or beneficiary ID and send to 07824636147. 6. Safe ba ang remittance ko sa inyo? Oo. Makakatanggap ka kaagad ng text message o email notification matapos ang iyong remittance transaction. Ang notification na ito ang nagsasabing pina-process ang transaction mo. Ang notification ay maglalaman ng iyong Remitter Transaction ID na iyo ring magagamit para i-track ang iyong remittance, kung kinakailangan. 7. Ano ang gagawin ko kung sakaling maiwala ko ko ang remittance card ko? Maaari mong i-tag as “lost” and remittance card mo gamit ang iyong mobile phone o internet. Internet – mag log on sa personal account at maaari mong piliin ang card number na gusto mong i-tag as lost. Text – sa iyong mobile phone, sundin ang sumusunod na format: Lost<space>Remitter password<space>Card Serial Number and send to 07824636147 8. Maaari ko pa bang mairemit ang halaga ng card na naiwala ko? Oo. Kapag na-tag na ang iyong lost card, maaari kang bumisita sa PVB Remittance Services Ltd. office at mag present ng Remitter ID at ang resibo ng binili mong card. Maaari mong magamit ang halaga ng card para magpadala ng pera sa pamamagitan ng traditional na remittance. 9. Kailangan ko bang magbayad ng additional charge para sa aking lost card? Hindi. Walang additional service fee na sisingilin. 10. Maaari ko bang i-cancel ang aking remittance transaction? Oo. Maaari mo pang i-cancel ang iyong remittance transaction kung ang pera ay hindi pa naibibigay sa iyong beneficiary. 11. Paano ko ika-cancel ang aking remittance? Maaari mong i-cancel ang iyong remittance gamit ang internet o di kaya ay pumunta ka sa PVB Remittance Services Ltd. office. Cancellation via mobile phone following the keyword format, Type Cancel<space>Transaction ID<space>Remitter password and send to 07824636147. 12. May Anti-Money Laundering procedures ba ang PVB Remittance Services Ltd.? Ang PVB Remittance Services Ltd. ay AMLA compliant at sumusunod sa procedures na bigay ng UK at ng Pilipinas. 13. May limit ba sa halaga ng perang maaari kong ipadala sa Pilipinas? Wala. Gayun pa man, kakailanganin mong magsubmit ng iyong supporting documents kung ang iyong remittance transaction ay lampas sa AML limit. |



