Services > Paraan ng Pagtanggap

Paraan ng Pagtanggap

Alam naming importante sa iyo ang mahal mo sa buhay, kaya handog din naman sa iyo ang iba’t-ibang paraan sa pagtanggap ng remittance. Pumili ng paraan na pinaka-convenient para sa iyong beneficiary.

  • Credit to Account Maaaring i-credit ang iyong remittance sa existing PVB Bank Account o anumang Bank Account mayroon ang beneficiary mo. Ito ay mabilis dahil di na nila kailangang pumunta pa sa payout centers para kunin ang remittance. Maaari na nila itong ma-withdraw sa bangko upon credit o sa mga malapit na ATM machines gamit ang kanilang ATM cards. Pinakamabilis at mura kapag ang beneficiary ay may PVB Savings ATM Account.

    1. Credit to any of 45 branches of Philippine Veterans Bank
    2. Credit to other bank accounts


  • Direct and Disburse or Payout Maaring kunin ang remittance sa alinman na network ng Philippine Veterans Bank branches o Authorized payout agents sa buong bansa. Piliin lamang ang agent na malapit sa lugar ng iyong beneficiary. Mayroon kaming tie-ups na mga establishments kung saan pwedeng i-claim ng inyong beneficiary ang iyong remittance.


  • Door-to-door Delivery Maaaring dalhin ang remittance sa doorstep ng beneficiary mo. May mga accredited courier agents kami na mabilis na maghahatid ng iyong remittance sa mahal mo kahit saan man sa Pilipinas. Ito ang pinaka-convenient para sa beneficiaries dahil hindi na nila kailangan lumabas pa ng bahay para i-claim ang remittance.