Home > Remittance Service nasa card na!

Remittance Service nasa card na!

Bayani Kard ang kauna-unahang prepaid denominated card remittance service. Ito ay backed up ng bank kaya ikaw ay nakasisiguro na ang remittance mo ay safe and secure. Di na kailangan pang pumunta sa remittance center o sa bangko. Kahit nasa bahay ka o trabaho, maari mo na i-send ang remittance mo sa mga mahal mo.

Ang Bayani Kard Remittance Service ay mabibili sa peso denominations kaya alam mo na agad ang exact peso amount na matatanggap ng beneficiary mo. Ito ay napaka-convenient at hassle-free dahil mabibili mo ito sa mga Filipino stores, convenience stores at iba pang establishments na malapit sayo. Di na kailangan pumila pa at maabala dahil ang remittance center nasa card na!

Kami ay naniniwala na ang Bayani ay di dapat naaabala. Kaya naman kami ay gumawa ng mga makabagong options sa pag send ng remittance na sadyang ginawa para sa Bayaning Pinoy na tulad mo! Maaaring i-send ang remittance gamit ang iyong mobile phone, computer na may internet at maari rin pumunta sa PVB Remittance Service Office para mag over-the-counter transaction.

One-time registration lang ang kailangan para ma-enjoy mo ng paulit-ulit ang hassle-free remittance sending gamit ang Bayani Kard. Magsadya sa PVB Remittance Service Office o iba pang authorized registration sites. Dalhin lamang ang anumang valid proof of identification, proof of billing at mag-fill out ng registration form.

Abangan nyo kami sa lugar na malapit sa inyo. Tumingin sa sa aming website, poster at banners para sa mga listahan, petsa at lugar ng registration. Maari nyo rin kaming imbitahan pumunta sa inyong community para mag conduct ng registration activities.